Tuesday, July 30, 2013

Panaghoy

hanggang kailan kayang magtiis?
hanggang kailan kayang magtimpi?
hanggang kailan kaya ng damdamin
pigilan ang nararamdamang pighati?

hanggang kailan mangungulila?
hanggang kailan mangangamba?
wala na nga bang pag-asang
matagpuan ang katahimikang hangad?

hanggang kailan manlalaban?
hanggang kailan maitatago?
kaya bang maibsan ang kalungkutan
kung ang turingan ay wala nang "kayo"?

paano maibabalik ang pagsamo?
paano manunumbalik ang pagsuyo?
mga agam-agam sa mga pagbabago
hanggang kailan? ang tanging tanong

sa pagdating ng isang bagong umaga
sa pagbubukas ng bagong yugto
kapayapaang matagal nang hangad
nawa'y makamit ng pusong hapo

No comments:

Post a Comment