Wednesday, October 19, 2005

Dilim

Image from Pinterest
Unti unti nang naghahari ang kadiliman sa kalangitan, hudyat ng muli nating pagtatagpo.

Isang diyosang tanging sa aking mga panaginip ko lamang nakakapiling.

Sa bawat pagtulog, inaasam kong huwag nang matapos ang gabi, sapagkat kasabay ng pagsikat ng unang patak ng liwanag ay ang iyong pagbabalik sa kawalan.