Disyembre. Panahon ng Kapaskuhan. Ito ang panahon na maririnig mo ang iba't-ibang tugtugin na parang hindi pinapakupas ng panahon. Ito rin ang panahon ng mga kainan, bigayan ng regalo, at higit sa lahat, pagsasama-sama.
Maraming mga kanta ang mga sawi kapag pasko. Isa na siguro sa pinakasikat ang "Pasko na sinta ko". Bata pa lang ako eh buhay na ang kantang to, at hanggang ngayon ay maririnig mo pa rin siya. Habang nagdadaan ang panahon ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga kanta ng mga single kapag Pasko.
"Ang Disyembre ko ay malungkot
pagkat miss kita..."
Ilang taon din na ganyan ang kantang kinkanta ko. Kahit na nagkaroon na rin naman ako ng mga karelasyon dati, parang tumatapat palagi na kapag Pasko, single ako. Nung una, parang nakakadepress. Sentimental pa naman ako sa mga ganung bagay. Hindi lang tuwing Pasko, kahit Valentines day. Feeling ko tuloy noon eh nakatadhana akong maging single sa mga okasyon na may kinalaman sa puso.
Pero dapat nga ba akong malungkot dahil dun? Sapat na ba yung dahilan para magmukmok ako sa isang tabi at magemote na walang nagmamahal sakin?
Habang lumilipas ang panahon, nag-iiba din ang persepsyon ko sa pagiging single. Noong una, pakiramdam kinakailangan kong magkaroon ng girlfriend dahil kailangan. Pero habang tumatagal, napapagtanto ko na minsan mas mahirap pang makipagrelasyon kesa maging single.
Naalala ko ang mga payo ng mga kaibigan kong matagal na sa relasyon: "ienjoy ko ang pagiging single." Nung una ndi ko lubusang maintindihan. Pero nang lumaon, nagkaroon din siya ng linaw: hindi biro at hindi laro ang pakikipagrelasyon.
Kaya ngayon, kahit na single ako ngayong Pasko, okay lang. Maeenjoy ko pa rin siya. Eh ano kung malamig ang paligid? Gusto ko naman ang malamig. Eh ano kung walang girlfriend? Anjan naman ang pamilya at barkada. Hindi ko kailangang iasa ang kaligayahan ko sa karelasyon. Ako ang pipili ng kaligayahan ko. Sabi nga nila, "happiness is a choice". :D
No comments:
Post a Comment