Tuesday, February 26, 2008

Night Shift

This was a story I made up when I was still doing nothing at the office. Not the typical kind of story, but hey, that's how my thoughts worked that time.

------------------------------------------------------------------------------

Night Shift

Alas-7 ng umaga. Karamihan ng tao, kapag mga ganitong oras, nagsisimula nang kumilos, mag-ayos para pumasok - maging opisina or paaralan. Pero hindi si Randolph. Kapag mga ganitong oras, pauwi pa lang siya galing trabaho. Kung sa karamihan magsisimula pa lang ang araw nila, kay Randolph, patapos pa lang ang nakalipas na araw.

Hindi naman na naging problema ang pagiging night shift. Kahit na ilang linggo pa lang, wala naman siyang nakitang problema. Hindi din kasi maiiwasan sa linya ng trabaho niya. Karamihan kasi ng kliente ng kompanya nila eh nasa kabilang ibayo ng mundo. Kapag gabi sa'tin, umaga sa kanila. At dahil kinakailangang gising din siya ng mga ganung panahon, minabuti na lamang niyang magpa-assign ng night shift.

Wala din namang problema, isip niya. Una, mas malaki ang makukuha niya kada buwan dahil may dagdag na sweldo kapag gabi ka nagtrabaho. Ikalawa, gising din naman siya madalas ng gabi dahil may insomia siya. Ikatlo, wala din namang mamatay na social life dahil matagal nang patay ang social life niya. Hindi din naman kasi siya mahilig lumabas at magliwaliw kahit noon pa. At ang pinakahuli, wala nang magtatampo kung wala siya sa bahay ng gabi.

Habang papauwi ay pinagmamasdan ni Randolph ang mga taong hindi magkandaugaga sa daan. Late na siguro sila, isip niya. Alas-7 y media na din naman kase. Mas madami na ang dami ng sasakyan sa daan, pati na din tao. Habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya, hindi niya maalis sa isip ang mga itsura nito. Paano, lahat ng nakakasalubong niya, mabango, maayos ang postura, preskong-presko ang dating. Hindi tulad niya, parang wasted na wasted.

Maayos rin naman ang hitsura niya. Kung tutuusin, marami ding nagsasabi na gwapo siya. Madami ding nagsasabi na kamukha niya yung bida sa isang sikat na fantasy movie na base sa isang series ng book. Yun lang, hindi siya matangkad. Okay lang, isip niya, you can't have it all, yun ang rationalization niya. Bukod kasi sa maganda ang hitsura niya, matalino pa siya. Naggraduate kasi with honors sa isang prestihiyosong Unibersidad.

Pagdating sa bahay ay agad niyang binuksan ang mga ilaw. Maliwanag na nga, pero parang madilim pa rin sa loob. Iyon ang nagustuhan niya sa inuupahan niyang apartment. Kahit na umaga sa labas, hindi ganun kaliwanag sa loob. Parang dapithapon palagi, o kaya naman ay gabi. Maganda yun para sa kanya dahil hindi siya nakakatulog ng maigi kapag maliwanag ang paligid.

Tahimik pagpasok niya ng kuwarto. Wala naman na kasi siyang kasama sa bahay. Kung dati, may nariring siyang "Kamusta araw mo?" o "Mukhang pagod ka, okay ka lang?", ngayon wala na. Tanging nakakabinging katahimikan lamang ang bumati sa kanya.

Bigla siyang nakaramdam ng gutom, pero wala siyang ganang magluto. Nasanay na kasi siya na pag-uwi, may nakahanda nang pagkain na pwedeng pagsaluhan. Tapos, habang kumakain ay may kakwentuhan, kabiruan, kalambingan. Ang saya ng mga araw na yun. Nagising na lang siya sa kanyang mga panaginip nang maramdaman na naman niyang kumakalam ang sikmura niya. Imbes na magluto, naisipan nalang niyang bumili sa tindahan ni Aling Perly ng lutong ulam.

Pagdating niya sa tindahan ay binati kaagad siya ni Aling Perly. "Iho, kamusta na? Yung dati ba ulit?, tanong ng matanda.

"Yung dati". Bigla siyang natigilan at parang bigla na namang bumalik sa pananaginip ng gising. Bumalik na naman siya sa mga panahong magkasama pa sila, masaya, at parang walang problema.

-----------------------------

Buwan na din naman ang nakalipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil sa isang maliit na di pagkakaunawan ay natapos ang lahat. Hindi, hindi lang dahil dun, isip niya sa sarili. Marahil ay yun lang ang nag-udyok upang mapuno ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob.

Magkasama na sila simula kolehiyo. Hindi sila magkapareho ng kurso, hindi sila magka-deparment, ni hindi sila magka-batch. Nagkakilala sila sa isang org sa school. At isa sa mga naging patakaran ng org na iyon ay dapat kilala mo lahat.

Hindi naman talaga palabati si Randolph, lalo na sa mga taong hindi naman niya lubusang kilala. Natutuwa lang siyang batiin si Vince dahil sa isang commercial sa tv ay may linyang "Hi Vince!". Kaya naman tuwing binabati niya ang binata, ginagaya niya ang pagbating ginawa sa commercial.

Mabait naman si Vince. Kahit na pabiro siyang batiin ni Randolph ay okay lang sa kanya. Marunong siyang makisama. Dahil na din siguro sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Bata pa lang kasi kinailangan na niyang magtrabaho, para naman kahit paano ay mabilhan ang sarili ng mga gusto niyang bagay. Siyempre, para tumagal sa trabaho, kelangang marunong makisama. Kaya ayun, kahit na hindi naman kagwapuhan o kagandahan ang katawan, marami pa ring nagkakagusto sa kanya.

Hindi nagtagal, naging matalik na magkaibigan sila. Madalas silang magkasama, kahit sa mga gimik. Maraming nanloloko sa org nila dahil nga super close nila. Si Randolph ang madalas na confidante ni Vince, lalo na sa mga nagugustuhan niya. Pero minsan iba talagang maglaro ang tadhana. Kahit na pareho silang lalaki, unti-unting silang nahulog sa isa't-isa at di naglaon, naging sila.

Nagtagal naman sila. Kahit na hindi alam ng buong mundo at hindi nila mapagsigawan ang kanilang nararamdaman, kuntento na sila na alam nilang mahal nila ang isa't-isa. Tulad ng ibang normal na relasyon, may mga masasaya, malulungkot, at mapapait ding mga panahon sa kanilang pagsasama. Hindi naglaon, nagkaroon na din ng mga di-pagkakaunawaan, mga panlilinlang, hanggang sa natuloy ito sa kanilang ilang ulit na paghihiwalay.

Sa huli, napagpasyahan nilang maging magkaibigan na lamang.

Ganunpaman, kahit na "kaibigan" na lamang ang turingan sa isa't-isa, hindi nila maiwasan na paminsan-minsan ay mailabas ang nararamdaman sa isa't-isa.

-----------------------------

"Iho, okay ka lang? Para kang namatanda diyan", sabi ng matanda.

Bigla siyang nahimasamasan sa sinabi ng matanda. "Ha?", gulat niyang sagot. "Bakit niyo naman ho nasabi?", tanong niya.

"Eh kasi naman, mga limang minuto ka na sigurong nakatulala jan. Para kang nahipan ng masamang hangin. May problema ka ba?", nag-aalala nitong sagot.

"Ahhh, wala po. Dala lang siguro yun ng pagod", sagot na lang niya. Agad-agad niyang tiningnan ang mga nakahandang luto ni Aling Perly at pumili ng uulamin niya ng umagang yun. Pagkabigay ng bayad ay nagpasalamat siya sa matanda.

"Pahinga kang maigi iho, mahirap magkasakit ngayon", pahabol na bilin ng matanda. Ngumiti na lamang siya, sabay lakad paalis.

Pagkauwi ay inihanda ni Randolph ang biniling pagkain at kumain. Kahit na nawalan na siya ng ganang kumain ay inubos pa rin niya ito dahil sayang din naman. Hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang nangyari kanina sa may tindahan. "Pagod lang siguro ako", sabi sa sarili. Napagpasyahan niyang maligo para mahimasmasan at para na rin presko ang pakiramdam bago matulog. Pagkakuha niya ang tuwalya ay bigla niyang narinig: "May extra ka pang tuwalya?".

-----------------------------

"May extra ka pang tuwalya?", tanong ni Vince.

Kahit na hindi naman talaga tulog ay nagtulog-tulogan siya. Ayaw naman niyang ipadama sa dating kasintahan na apektado siya sa pagdadala nito ng bago niyang karelasyon.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpanggap siyang nagising. Umupo saglit tapos tanong ng "Ano yun?"

"May extra ka ba kakong tuwalya", tanong ulit ni Vince.

"Dun sa may kabinet", sagot ni Randolph. "Anong oras na?"

"Mga alas-tres ng umaga. Maaga kase pasok ni Jem, kaya naghahanda na kame", sagot niya.

"Ahhhh...", sagot nalang ni Randolph, sabay kunwaring matutulog ulet. Pagkapasok ni Jem at Vince sa loob ay pinapakiramdaman ni Randolph kung anong ginagawa ng dalawa sa loob. Kutob niya ay may ginagawa na ang dalawa sa loob ng banyo. Masakit man para sa kanya, hindi na lang siya umimik at pilit pinikit ang mga mata. Gusto na sana niyang matulog ngunit parang ayaw siyang patulugin ng diwa niya.

Lumipas ang sampung minuto. Maikling panahon lang kung tutuusin ngunit ng mga panahong iyon, pakiramdam ni Randolph ay parang sampung taon na ang lumipas. Narinig niyang pabukas ang pinto kaya dalidali niyang pinikit ang mata niya at muling nagkunwaring tulog. Nakakarinig siya ng mga kaluskos, mga bulungan. Nais na niyang buksan ang mga mata niya upang makita kung anong nangyayari, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Baka hindi ko kayanin ang makita ko, bulong niya sa sarili. Makalipas ang ilang minuto, gumalaw siya at umupo, kunwaring nagising lamang dahil sa mga kaluskos.

"Buti nagising ka, hindi ko pa kau napapakilala ng pormal sa isa't-isa," sabi ni Vince.

"Paano mo kame mapapakilala eh parang wala sa katinuan yang kasama mo kagabi" ang gusto niya sanang sabihin, pero "Oo nga" lang ang sinagot niya.

"Jem, si Randolph. Randolph, si Jem."

"Hello po", sabi ni Jem.

"Hello... Okay ka na ba? Para kang ewan kagabi eh", tanong ni Randolph. Kahit na medyo inis siya, hindi na lang niya pinahalata. Host pa rin siya kahit na anong isipin niya.

Tumungo lang si Jem sa tanong ni Randolph. Nahihiya siguro, sabi ni Randolph sa sarili. "Kain kayo, may pasta jan sa ref. Nagluto ako kagabi", alok ni Randolph.

"Hindi na, paalis na din kame", sagot ni Vince.

"Ah ganun ba. Sige.", un lang ang nasabi ni Randolph. "Iwan mo nalang jan sa ibabaw ng ref yung susi paglabas ninyo." sabi niya, bago lumabas ng pinto sina Vince at Jem. Tiningnan siya ni Vince, mukhang nagulat, pero biglang nakangisi. "Gago to ah, anong nakakatawa dun sa sinabi ko?" tanong niya sa sarili. Sa inis niya, hindi na niya hinatid sa pinto ang mga bisita at sinabihan na lang ang mga ito na i-lock ang pinto pag-alis.

-----------------------------

Nahimasmasan nalang muli si Randolph nang madangi ng tuwalyang hawak niya ang babasagin sa tabi. Buti nalang at naagapan niya kundi kaylangan pa niyang magpulot ng mga basag na salamin bago maligo. Kunsabagay, kelangan din niynag magpulot ng mga basag na piraso. Pero hindi piraso ng salamin, kundi piraso ng pagkatao niya.

Malamig ang buhos ng tubig. Nakakarefresh, naibsan ang nararamdaman niya kahit kaunti. Mahilig din kasi siyang maligo ng walang mainit na tubig. Gusto niya yung halos namamanhid na sa pakiramdam yung katawan sa lamig. Kahit man lang sa ganoong paraan, maging manhid siya.

Makaraang maligo at magsuot ng damit, humiga na si Randolph. Doon nalang siguro niya ulit naramdaman ang pagod dahil wala pang isang minuto ay inantok na siya. Umaandap-andap na ang mata niya ng marinig niyang nagri-ring ang telepono. Kahit inaantok, inabot niya ito, sabay sagot ng "Hello".

"Hello", sabi ng boses ng lalaki sa kabilang linya.

-----------------------------

"Kelangan nating mag-usap", bigkas kaagad ni Vince pagdating ni Randolph sa tagpuang napagusapan nila.

"Anong pag-uusapan natin?", tanong ni Randolph.

"Look, I know masakit yung nangyari last time. Alam ko nasaktan kita. I'm so sorry...", sambit ni Vince sa kabilang linya.

"Ok. Apology accepted. Meron pang iba?", sabi ni Randolph. Kung tutuusin ay bukal naman talaga sa kanya ang pagtanggap ng apology. Yun nga lang, may katarayan siya kaya kahit sincere eh parang naghahamon pa rin ng away.

"Meron... I still love you.", sagot ni Vince.

Hindi kaagad nakasagot si Randolph. Kahit na alam niyang nagsasabi ng totoo si Vince, alam din niyang hindi naman tama kung manatili pa rin ang relasyon nila. Not now that Jem's in the picture.

"I don't want to lose you Randolph", dugtong ni Vince.

"You already did", sagot ni Randolph. "A long time ago."

-----------------------------

"Hello, Randolph. Natutulog ka na naman ba?"

Nahimasmasan si Randolph sa sinabi ng kausap sa telepono. "Ano?"

"Sabi ko natutulog ka ba? Kanina ka pa nagsasalita ng walang sense", sagot ng kausap.

"Sensya na dude, wala siguro ako sa sarili ngayon. Inaantok pa kasi ako eh.", sagot ni Randolph.

"Sabi ko na nga ba eh, palagi kang ganyan lately kapag kinakausap. May problema ka ba pare?"

Gusto niyang sabihin na meron, pero wala namang alam ang kaibigan niya tungkol sa iba niyang buhay. Kaya kahit gustong maglabas ng sama ng loob, napilitang magsinungaling si Randolph at sabihin na antok lang talaga siya dahil night shift nga siya nagtatrabaho.

"Ay oo nga pala noh, night shift ka nga pala. Eh di ibig sabihin hindi ka makakapunta mamayang gabi..."

"Oo pare, hindi pwede. Pasensya na, bawi nalang ako next time", sabi ni Randolph.

"Ok. ok. Sige. Basta ha, may interes na yon!"

"Sure dude, sige balik muna ako sa pagtulog."

"Ok. Sensya sa pang-aabala." pagkatapos nun ay binaba na ng kausap ang linya. Dahil na din siguro sa sobrang antok, nakabalik siya sa pagtulog.

-----------------------------

"Hindi ko kaya ng wala ka."

"You can, you just don't know it yet. Besides, you already have him, what's use of having me around?"

"Can't we just talk about it?"

"What's to talk about? Na mahal mo ko? So ano siya? Ginagamit mo lang para bumalik ako sa 'yo?"

Biglang nag-iba ang mukha ni Vince. "Hindi ko siya ginagamit. Ang tagal kong naghintay sa'yo, hoping na one day, magbago ang isip mo, that you'll realize that you still want me. Pero tao lang ako, I have my limits. Napagod din akong maghintay. I tried to be happy with him, and I am. And now it's ruining our friendship."

"Friendship? Ano yun, friends with benefits? Baka naman fuck buddies ang ibig mong sabihin."

"That's the only way I know I can have you!"

Matagal na walang nagsalita sa kanilang dalawa. Parang nakikiramdam. Hanggang binasag ni Vince ang katahimikan.

"Can't we at least be friends?"

"We tried that already. But we only ended up hurting each other."

"So... final na talaga to?"

"Yeah... Final na. You said it yourself. You're happy with him. So sa kanya ka nalang. And I'll pretend that 'we' never existed."

"If that's your decision then I guess wala na kong magagawa", sambit ni Vince. Halatang-halata sa boses niya ang kalungkutan at disappointment.

"It's for the best. Let's stop this before we end up hurting someone else.", sabi ni Randolph.

"Ok. Yun ang sabi mo eh. I guess this is goodbye.", sabay lapit kay Randolph, akmang hahalik. Pinigilan siya ni Randolph. Ngumiti nalang si Vince kay Randolph, sabay sabi ng "Have a good life." Pagkasabi nun, tumalikod na siya at umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ni Vince ay bumagsak ang ulan. At kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng luha ni Randolph.

-----------------------------

Nagising si Randolph sa tunog ng malakas na kulog. Umuulan pala sa labas, bigla niyang nasabi sa sarili. Tumayo siya, ngunit natigilan nang makitang basa ang kanyang unan. Hindi naman siya nagtutulo ng laway kapag tulog, isip niya. Umiyak na naman ba siya habang natutulog? Hindi niya alam. Bumangon siya at tiningnan ang oras sa alarm clock sa tabi ng kanyang higaan. Alas-tres ng hapon. Maaga pa, sambit niya. Pero ayaw niyang bumalik sa pagtulog. Baka yun ulit ang mapanaginipan niya.

Napagdesisyunan niyang panoorin ang mga tao sa labas. Nagtatakbuhan sila, para bang iniiwasan ang ulan. Parehong-pareho nung araw na napagkasunduan nilang tapusin na ang lahat. Ang pagkakaiba lang ngayon, hindi na siya nababasa ng ulan.

Makalipas ang dalawang oras ay humina ang buhos ng ulan. Pagkaraan pa ng mga isang oras ay tuluyan na itong tumigil. Saktong-sakto, alas-sais na ng gabi. Kaylangan na niyang maghanda para sa pagpasok sa office, kaya naman naisipan niyang maligo at magpalit ng damit. Habang nag-aayos, nakita niya ang cellphone.

"Kamusta na kaya siya?", bulong ni Randolph sa sarili. Dinampot niya ang cellphone at pinindot ang numero ni Vince. Kahit na binura na niya sa phonebook, hindi pa rin niya nabubura sa kanyang isip ang numero nito. Sinubukan niyang tawagan, pero wala, cannot be reached. Nagpalit na siguro siya ng number, yun ang una niyang naisip. Siguro, napagdesisyunan na din nitong tuluyan nang lumayo.

Kahit na mataas ang posibilidad na nagpalit na ng number si Vince tinext pa rin niya ang numerong kabisado niya:

"I'm sorry for everything. I was too hard on you, and maybe also to myself. For all its worth, I hope you're happy. Again, sorry."

Pagkatapos ay kinuha na niya ang iba pa niyang gamit at umalis.