Image from Pinterest |
Isang diyosang tanging sa aking mga panaginip ko lamang nakakapiling.
Sa bawat pagtulog, inaasam kong huwag nang matapos ang gabi, sapagkat kasabay ng pagsikat ng unang patak ng liwanag ay ang iyong pagbabalik sa kawalan.
Sa bawat pagsikat ng araw ay lumulutang ang lungkot at pangungulila sa kadilimang nagiging tanging tulay natin.
At sa muling paghahari ng liwanag, hihintayin kong muli ang dilim upang muli kitang makapiling...
No comments:
Post a Comment