May 4, Friday. Nagleave ako sa office kasi Golden Week naman sa Japan at wala namang masyadong ginagawa sa office. Mas mubuti pang pumunta nalang ako elsewhere kesa sa pumunta ng office at magintay sa wala. Anyway, maaga akong nagising ng araw na ito: 4 am gising na ako. Direcho ligo, then ayos ng gamit, then mga around 4:30, umalis na ko ng house. Although maaga akong dumating, natagalan ako sa may Metropolis kasi yung nasakyan kong jeep eh konti pa lang ang tao, and since terminal siya kelangang mapuno. Nakaalis na tuloy ako ng mga around 5 na, and ako pa ang pinakahuling dumating sa amin (ganun na ata talaga fate ko).
Anyway, tinawagan ako ng mga kasama ko (college friends) through cellphone at sinabihan nila akong imbes na sa meeting place namen eh dumiretso na lang ako sa isa pang lugar kase dadaan din sila dun. So dun na ako dumiretso and hindi nila napansin na andun na ako (hindi daw ako nakilala, hehe). Pagdating dun, diretso lakad kami papuntang sakayan ng Jeep papunta sa sakayan ng bus to Batangas. Then, same old, same old, Batangas port, then sakay ng ferry papuntang Puerto Galera.
Dumating kami sa beach ng bandang 10 am. Una kong ginawa ay ilagay ang gamit ko kwarto, tapos naghanap kami ng makakainan ng breakfast. Hindi pa kasi kami lahat nagbebreakfast that time, so kumain kami sa isang bar malapit sa room namin. Pagkatapos, change clothes, then pumunta na kami ng beach.
Asa white beach kami, pero we napagdesisyunan namin na magpunta pa sa kabilang area. Nagkaroon nga lang kami ng little accident where Ric fell off and got bruised (more like wounded). Buti na lang eh until Sunday kami kaya pwedeng ibabad sa dagat (aka saline solution).
Andun ata kami sa beach mga until 3 or 4 pm. Tapos pagkatapos magbabad sa beach (at magbabad sa sikat ng araw) eh bumalik na kami sa white beach area. By that time eh napalitan na ung nagbabalat kong sunburn, at mapula na ulet ang shoulders ko. Si Emman, sobrang pula din, as in. Sayang daw ang 9 months na pagiwas sa araw. Hehehe
Anyway, pagkatapos namin bumalik naisipan namin na magpahinga muna, then around 5 eh bumalik kami sa white beach. Kaso, hindi din kami gaanong nagtagal kasi malamig ang tubig. Bumalik na lang kami sa room at naligo, then balik sa may beach area para maghanap ng makakainan. (Noticed walang lunch?)
Kumain kami dun sa lugar kung saan ako kumain 2 weeks ago. In fairness masarap pa rin ang food, at talaga namang naenjoy ko siya. After namin kumain lakad-lakad ulet ng konti sa beach, then balik kami sa room para magpahinga. Maya-maya binuksan na ung liqour (gin and lime) then inuman na. Un nga lang, nasobrahan ata ako sa pagod kaya ayun, nakaka-isa pa lang akong shot eh nakatulog na ako (hindi ko na nga inabutan ang Lupin eh, hehehe).
Maaga akong nagising the next day. Labas ako sa beach area para magpicture-picture. Tapos balik din ako sa room, then half of the group (including me) eh kumain na ng breakfast. The other half eh natulog pa ulet ng konti, pero pagbalik namin from breakfast eh sinamahan namen silang kumain.
After ng breakfast, nagtrekking ulet kami sa kabilang ibayo. This time, nagdala kami ng food and drinks, para if ever na magutom kami eh hindi na namin kaylangang magtrekking pabalik. Tapos babad galore ulet kami sa beach. Nung una medyo okay kasi walang araw (cloudy kase nung morning, umulan ata the night before), pero mga around 10 eh nawala ang mga clouds at nakatapat na ulet ang araw sa amin.
Naglunch kami sa isang malapit na establishment. Ang kinain namin for lunch was 2 set of pizzas. Habang kumakain kami nagtext ung isa pa namin na humabol lang. May isang bumalik sa docking area para sunduin sya. Pagkatapos, balik ulet kami sa beach, and stayed there until medyo madilim na ulet. (That time medyo mas maaga kami kasi medyo umaambon. Ma mahirap bumalik kapag nabasa ung mga malalaking bato, slippery kasi.)
Pagkabalik sa room, usual routine kami, ligo muna bago kami kumain ng dinner. This time kumain kami dun sa opposite direction, and grabe, hindi kami natuwa sa service. Ang tagal dumating nung food namen, not to mention na hindi pa mainit ung food nung dumating. Grabe, saitei talaga siya. Pero okay lang kasi nakakain naman kami, and naisipan ni Emman na sagutin ang dinner namen (gouchisou sama deshita Emman!). After kumain nagshopping-shopping kami ng konti, then balik na ulet sa bahay. As usual, hindi na naman ako nakasama sa inuman kasi knock-out ulet ako.
Maaga ulet akong nagising the next day. Ligo muna ako (ulet) kasi last day na namin, and kelangan naming makaalis ng maaga para makabalik sa Manila habang may araw pa. So mga around 8 am tapos na lahat kami, tapos breakfast. Since yung napareserve namin na ferry ride eh 10 am, may time pa kami para magpahinga and maggala. That was the time na nakapagpa-henna ako. Kinuha kong design ung kay Gaara from Naruto (ung kanji ng love), pero siyempre hindi ko sa mukha pinalagay. Sa loob lang ng arm ko (hindi din kasi pwede sa outer kasi may sunburns na). Tapos mga around 9:30 sumakay na kami ng ferry, at around 2 pm eh nakabalik na ako ng Manila.
One more week to go! Next week, Laguna naman! :D
wow, twice na nakapag-Puerto Galleria, este Galera pala. haha! see yah sa laguna, dear bro a.k.a. pseudo bf. haha!
ReplyDeletesayang.. nde tau ngkatagpo dun..
ReplyDeleteahihihihi..
san mga pixes mu??
pixes ko is in yahoo eh, hindi ko pa maupload sa multiply kasi blocked sa office, ahuhuhuh....
ReplyDelete