Wednesday, August 14, 2013

Due to English Only Policy


My comedic farewell letter when I left my job more than 6 months ago. AFAIK there's no bitterness in there so I don't mind posting this.

I know it's a bit corny. Just bear with it. :P

================================================
Subject: Due to the English Only Policy

------------------------------------------------
Dinugo ang ilong ko. So magtatagalog ako. Keber! Hahaha

Friends, Romans, Countrymen…

This is it pusit! Pagkatapos ng makailang ulit na last day, totoo na to.

OO!

As in!

Pramis!

Hindi na to joke!

Mabaog man ako (or si Grace – ay wait, sabe pala ni Grace baog na baog na sya dahil saken. Peace! Hihihi)

Sabe nga nila, third time’s a charm (pwede ding third time’s a Raughn since charming ako, pero that’s a different story).

Ngayon ko lang narealize, mas mahirap pala magpatawa in writing. Kase walang voice. Hindi ka makapagtono ala Ruffa Mae (Ruffa Men), Ate Guy (Kuya Guy),Charo (Charot)at kung anu ano pa. Kelangan witty ka. Buti nalang witty ako. Haha may masabi lang.

Aalis lang ako ng office, hindi pa ko aalis ng Pilipinas. Lalong hindi pa ko papanaw. Magpaparamdam nalang ako pag pumanaw na ko (in party clothes na parang pupunta lang ng Republiq or Prive – anong akala nyo all white tapos may dugo dugo? Kadiri kayo. Hahaha)

Pag nakita nyo ko sa labas, don’t be shy. Say Hi. Hindi naman ako suplado, bulag lang. Pag hindi ko kayo pinansin, wag magalit, baka hindi ko kayo narinig. Medyo bingi din. Ganun pag tumatanda. Hindi lang halata, hihihi… Mageffort na lang kayo magpapansin, para saan ba’t mapapansin din kayo. Kung hindi ako, yung mga tao sa paligid. Hehehe…

Ayun na lang muna. Wag nang maemote. Walang yumayaman jan. Tingnan mo ko nagemote na magresign, ayan mahirap na ko. Hahaha joke.

Alam nyo naman number ko, magtext lang kayo. PWERA WORK RELATED. As in, hindi ako sasagot. Unless babayaran nyo per hour rate ko. :P

O sige na, marami pa kong gagawin. Kelangan ko pa magpala at magtanim ng halaman, mag gatas ng baka, mag tabas ng tupa, at mangolekta ng itlog. All in preparation for NZ.

In case you’re wondering (oi English yun!), sa laro lang yan. Pero at least may idea na ko kung pano magpastol. Hahaha

Sige na, nagututom na ko. Kakain muna ako.

Babay! (for now. :D)
================================================

No comments:

Post a Comment